Ang Kalakhang Maynila ay makakaranas ng bahagya hanggang sa maulap na
kalangitan na may mahinang pag-ulan. Katamtamang hangin mula sa
Hilagang-silangan ang iiral at ang Look ng Maynila ay magiging
katamtaman ang pag-alon. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 21
hanggang 31 antas ng Celsius (70°F hanggang 88°F).
Ang Kabisayaan at ang Mindanao ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na magiging malawakang pag-ulan sa Silangan at gitnang bahagi ng Kabisayaan at Hilaga at Silangang Mindanao na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Luzon ay magkakaroon ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa Luzon at Kabisayaan at mula naman sa Hilagang-silangan at Silangan sa Silangang Mindanao. Ang mga baybaying-dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay mahina hanggang sa katamtaman mula sa Hilagang-silangan at Silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.