Idineklara ng Malacañang ang November 29, araw ng Lunes, bilang isang special non-working holiday.
Ito ay kaugnay sa paggunita ng Bonifacio Day sa November 30 na nataon sa araw ng Martes.
Inilipat ang Bonifacio Day sa araw ng Lunes batay sa Repuclic Act
9492 na mas kilala bilang holiday economics ni dating pangulo at
ngayon ay kinatawan ng Pampanga Gloria Macapagal Arroyo.
Samantala, nilinaw ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte
na hindi inilipat sa araw ng Lunes ang holiday sa November 16
kaugnay sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim dahil ang mga religious holidays ay hindi maaaring galawin o ilipat.
No comments:
Post a Comment